Skip Navigation LinksTalkingToDoctorValleyFever_tgl

Valley fever

Pakikipag-usap sa Doktor tungkol sa Valley Fever

    Tandaan: Ang Valley fever at ang COVID-19 ay may mga parehong sintomas, kasama ang lagnat, ubo, kapaguran, at pananakit ng katawan. Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na ito, ihiwalay ang sarili mo mula sa mga ibang tao at kontakin agad ang doktor mo. Kailangan ang mga laboratory test para malaman kung ang mga sintomas ay dulot ng COVID-19 o Valley fever. Karaniwan, ang Valley fever ay nada-diagnose gamit ang pagsusuri ng dugo, pero ang lab test para sa COVID-19 ay gumagamit ng respiratoryong sample mula sa iyong ilong o lalamunan.


Kung may mga tanong ka tungkol sa Valley fever o sa palagay mo ay mayroon ka nito, siguruhing makipag-usap sa doktor o tagapaglaan ng pangangalaga sa kalusugan. Ang sintomas ng Valley fever ay maaaring abutin ng 1 hanggang 3 linggo para lumabas matapos masinghot ang fungus mula sa alikabok sa hangin sa labas. Ang mga sintomas na ito ay maaaring mapagkamalang ibang mga sagot at malamang ay magtatagal ng ilang linggo. Ang tanging paraan para malaman kung mayroon kang Valley fever ay ang pagpapatingin sa doktor.    

Pakikipag-usap sa Doktor

Bago ka makipag-usap sa doktor tungkol sa Valley fever, isipin ang tungkol sa anumang kamakailangan panlabas na pagkalantad sa dumi at alikabok na maaaring nagkaroon ka, lalo na kung nagtatrabaho ka sa labas o kamakailang nagbiyahe sa o sa mga lugar kung saan karaniwan ang Valley fever, kasama ang Central Valley o Central Coast ng California, pati na Arizona.

Sabihin sa iyong doktor o tagapaglaan ng pangangalaga ng kalusugan kung:      

  • Nagkaroon ka ng anuman sa mga sumusunod na sintomasa nang mahigit isang linggo: ubo, hirap sa paghinag, kapaguran, lagnat, kirot sa dibdib, pagpapawis sa gabi, kirot sa kalamnan o kasu-kasuan, pagbubutlig, sakit ng ulo, o hindi mapaliwanag na pagbawas ng timbang

  • Nagbiyahe ka sa o sa ilang mga lugar kung saan ang Valley fever ay karaniwan (sa Ingles)

  • Ang pagtrabaho mo sa labas sa maalikabok na mga lugar o sa paligid ng mga lugar ng trabaho kung saan ang dumi at alikabok ay nahalungkat (halimbawa, sa mga lugar ng konstruksiyon o paghuhukay) 

ā€‹
Page Last Updated :