Ang ilang praktikal na payo ay maaaring makatulong para maiwasan ang Valley fever ā
makakatulong ang mga payong ito na maiwasan mong masinghot ang alikabok sa labas at maaairng makatulong na mabawasan ang peligrong magkaroon ka ng Valley fever:
- Manatili sa loob at panatiliing sarado ang mga bintana at pintuan kapag mahangin sa labas at maalikabok ang hangin, lalo na kapag may mga dust storm.
- Habang nagmamaneho sa mga lugar kung saan karaniwan ang Valley fever, panatiliing sarado ang mga bintana ng kotse at gamitin ang umiikot na hangin, kung mayroon.
- Takpan ang mga bukas na lugar ng lupa sa paligid ng tahanan mo na may damo, mga tanim, o ibang pantakip ng lupa (tulad ng graba o mga chips ng kahoy) para makatulong na mabawasan ang maaalikabok, bukas na mga lugar.
- Subukang iwasan ang maaalikabok na lugar sa labas, tulad ng mga lugar ng konstruksiyon o mga hinuhukay. Kung hindi mo maiwasan ang mga maaalikabok na lugar na ito, o kung kailangan ay nasa labas ka sa maalikabok na hangin, pag-isipang magsuot ng N95 respirator (isang klase ng face mask) na pinatotohanan ng National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH) para matulungang maprotektahan ka laban sa alikabok na maaaring magdulot ng Valley fever. Ang mga telang mask, KN95 (na hindi pinatotohanan ng NIOSH), mga bandana, surgical face mask, at mga simpleng dust mask (na iisa lang ang strap) ay hindi masyadong nakakapagbigay ng proteksiyon laban sa alikabok katulad ng mga N95 mask.
Kapag nagbubungkal o nabubulabog ang alikabok sa mga lugar kung saan karaniwan ang Valley fever ā
makakatulong kang protektahan ang sarili mong masinghot ang alikabok na maaaring magdulot ng Valley fever:
- Basain ang dumi bago bago bungkalin o bulabugin ang dumi para mabawasan ang alikabok.
- Manatili sa pataas ang hangin ng lugar kung saan ang nabubulabog ang dumi.
- Pag-isipang magsuot ng N95 mask o respirator (mga telang face mask, bandana, surgical face mask, KN95 mask, at mga simpleng dust mask ay hindi nagbibigay ng ganoong proteksiyon).
- Matapos bumalik sa loob, magpalit ng damit kung natatakpan ng lupa. Mag-ingat na huwag pagpagin ang damit at masinghot ang alikabok bago labhan. Kung may ibang taong naglalaba ng mga damit mo, babalaan ang tao bago nila hawakan ang mga damit.