Skip Navigation LinksValleyFeverSymptoms_tgl

Valley fever

Mga Sintomas


    Tandaan: Ang Valley fever at ang COVID-19 ay may mga parehong sintomas, kasama ang lagnat, ubo, kapaguran, at pananakit ng katawan. Kung nakakaranas ka ng mga sintomas na ito, ihiwalay ang sarili mo mula sa mga ibang tao at kontakin agad ang doktor mo. Kailangan ang mga laboratory test para malaman kung ang mga sintomas ay dulot ng COVID-19 o Valley fever. Karaniwan, ang Valley fever ay nada-diagnose gamit ang pagsusuri ng dugo, pero ang lab test para sa COVID-19 ay gumagamit ng respiratoryong sample mula sa iyong ilong o lalamunan.


Karamihan ng mga tao (mga 6 sa 10) na may impeksiyong Valley fever ay walang mga sintomas, at ang mga katawan nila ay likas na lalaban sa impeksiyon.

Ang mga taong nagkakasakit ng Valley fever ay maaaring may mga respiratoryong sintomas o pulmunya dahil ang Valley fever fungus ay karaniwang nakakaimpeksiyon sa baga. Kasama sa mga karaniwang sintomas na maaaring mabuo 1 hanggang 3 linggo matapos masinghot ang fungus ang: kapaguran, pag-ubo, hirap sa paghinga, lagnat, pagpapawis sa gabi, kirot ng kalamnan o kasu-kasuan, kirot sa dibdib, pagbawas ng timbang, sakit ng ulo, at pagbubutlig. 


Mga Sintomas ng Valley fever:  kapaguran, pag-ubo, hirap sa paghinga, lagnat, pagpapawis sa gabi, kirot ng kalamnan o kasu-kasua

    Ang Valley fever ay makakaapekto sa mga tao sa magkakaibang paraan. Ang ilang mga taong may Valley fever ay maaaring may banayad lang na sintomas na maaaring gumaling nang kusa sa ilang linggo. Sa iba, ang mga sintomas na tulad ng kapaguran ay maaaring mas matagalang mawala at maaaring magtagal ng ilang buwan.



Ang Disseminated na Valley Fever

Sa mga kakaibang kaso, ang Valley fever ay maaaring magdulot ng mga malalang impeksiyon sa baga o sa mga ibang bahagi ng katawan (tinatawag na disseminated disease).

Ang mga taong may malalang Valley fever ay maaaring kailanganing ma-ospital, at malamang ay kailangan nila ng follow-up na medikal na pangangalaga ng ilang buwan o pati taon. Kung naimpeksiyon ng Valley fever ang utak (tinatawag na meningitis), ang tao ay maaaring kailangan ng panghabang-buhay na paggamot. Sa napakabihirang kaso, ang malalang Valley fever ay maaaring nakamamatay.

Ang disseminated na Valley fever ay karaniwang nagdudulot ng mga impeksiyon sa balat, buto, kasu-kasuan, o utak, at maaaring kasama ng mga malalang sintomas ang:

  • Mga sugat sa balat

  • Kirot sa buto o kasu-kasuan

  • Mga malalang sakit ng ulo

Page Last Updated :